chapter 3 part 4
Pupunta na sana kami kay sofia..ng dumating yung masahista na barkada ni jake..si jay...so tumabi sa amin at nakipag inuman...
Hindi namin sya pina pansin...at nag uusap pa din kami ni jake..at medyo na out of place sya...hindi namin alam ni jake..na nakikipag fuck U sign na pala sya sa kabilang mesa....umihi sya..at pag balik..ang sumbong kay jake...
na tinakot daw sya ng kabilang mesa sa CR...so tinanong nya kay jake kung ano gagawin....nag isip ng mataga si jake...at biglang sinabi.."sige..palagan mo"
at biglang hinawakan ni jake yung bote ng wine na ini inom namin....nabigla ako sa desisyon nya...
"ano ka ba...wag nyo ng patulan yan.."
walang nakinig..lumapit si jay sa kabilang mesa at si jake..asa likod na may hawak na bote ng wine....
pinigil sila ng mga bouncer sa dampa....at kina usap ako...ng mga management
"boss paalisin mo nalang yan...sige na"
so tinawag ko silang dalawa..
"jake..lika na..."
sumunod naman...at nag lakad kami papunta sa kotse...
tangina..first time ko sa dampa..at ganun..basag ulo na agad...iba talaga...gulpe de gulat ang buhay ko kay jake..at pa umpisa pa lang ito...marami pa akong mararanasan na hindi ko naranasan sa buong buhay ko kay jake...
Nung asa kotse na kami ay nag usap usap kami...
Jake: buti nalang pinigil nila tayo..kung hindi basag bungo nila..
fox: tigil nya na yan..mapapa hamak lang kayo
Jay: sabi ba naman na nag Fuck U daw ako dun sa girlfriend nya
Fox: talaga bang nag fuck u sign ka
Jay: hindi ahh...
Pero later on na found namin na talagang nag fuck u sign sya dun sa babae....habang kami ni jake eh busy sa pag uusap namin...
bumaba si jay sa kanto ng morato at timog..at kami nalang ni jake nag punta sa cowboy grill sa malate...Iniwan nya ang motor nya sa massage clinic...
nag usap kami ni jake..kasi nga wala pa akong alam dun sa girlfriend nya...
"wag na kaya ako sumama" sabi ko
"bakit?"
"ano sasabihin natin sa kanya..at baka mahalata tayo"
"hindi yan..ako bahala sayo"
"sigurado ka..pano kung mag selos yun"
"bakit naman sya magseselos wala naman tayong gagawin"
ako kilala ko sarile ko..marunong ako umarte sa harap ng ibang tao ng nararapat...ewan ko kay jake..dahil bago ko pa lang sya ka kilala...
"matagal mo na ba itong girlfriend"
"oo nung October pa"
"talaga" bigla akong napa isip....teka kung October..bakit hindi nya kasama itong babae na to nung bday nya nung november 24?
May kwento kasi si jake sakin...na hulog daw ako ng dyos sa kanya etc etc....at nung bday daw nya..ang kulong lang daw sa hotel dyan sa cubao...at umiyak daw sya ng umiyak..at balak daw nya mag pakamatay...
"kung girlfriend mo na sya..bakit hindi mo sya kasama nung bday mo at sinasabi mo na walang nag mamahal sayo?"
"wala lang..gusto ko lang mag isa"
"eh diba mahal ka nya..?"
"oo"
"so ano sinasabi mo na walang nag mamahal sayo?"
Tapos iniba nya na topic...ganun si jake..kapag na corner na sya..ini iba nya topic..ako naman...since nag work ako sa law office sa US, alam ko mag interrogate ng tao at eto din ang parati namin pag aawayan...
Nininerbyos ako sobra....ayoko mapahiya...lalo na sa babae...na ako pa mang aagaw ng lalake sa isang babae...kasi ni rerespeto ko ang mga babae..hindi ko sila ina away at nilalabanan...at ayoko din mag mukang bakla na nakikipag tarayan sa mga babae...kasi pusong lalake pa din ako at pwede pa din mag ka gusto sa babae...
So nag park kami sa malate..sa kalye...first time ko dun sa club na yun....live band pala ...at maraming tao...mga class B, C, D...pero masaya sya...sabi ko sa sarile ko..tangina..asan na yung babae....
tinuro ni jake...asa long table..patay! may mga kasama...and guess what...may mga baklang kasama...3 sila...at isang babae na maganda at bata...ganun din si sofia...so pinakilala kami...at ako tahimik lang...may upuan na pala sila na prepare para sa amin...
ako piniwesto sa dulo ng mesa..tabi ni bading...at si jake..asa kabilang dulo..tabi ni sofia...may isang keg ng beer na malaki na malapit sakin...inusog ko yung silya ko...para matabunan ang view ni jake sakin...para hindi kami mahalata at mahuli na nag tititigan....
so inom inom..pero lasing na din ako...tahimik lang ako....alam ko..tinitignan nila ako at ino obserbahan lalo na yung mga bading na kasama..at kina ka usap ako..like ano ginagawa ko or san kami nag meet ni jake etc etc.....
Habang nag uusap kami ng bading..si jake..parating tumitingin sakin...at minsan kina ka usap ako ng malayo na
"okay ka lang?"
at tumutungo naman ako....sabi ko patay...dapat hindi sya dapat mag pakita na concern sya...tapos nag text ako sa cellphone ko....hindi ko alam lumapit na pala sya...at kina usap ko...
"ano okay ka lang"
"oo okay ..." at bumulong ako....
"ano ginagawa mo dito?..baka magselos yan"
hindi nya ako sinagot...
"akina cellphone mo" as usual..ini iba nya topic...
may pinag pipiindot sya...nag bluetooth pala..at nag download ng picture nya...at ginawang screen picture ng cell ko...
Pagka kita ko..
"gago..alisin mo yan" natawa sya...at inalis naman...at pag tingin ko..naka titig si sofia sa amin...pinag mamasdan kami...bumalik si jake kay sofia...at nag lambing lambing sa upuan..at sumayaw sila.....maya maya..ako niyayaya ni jake sumayaw...puta...sympre humindi ako....hindi ko mapigilan si jake....parati pa din syang naka focus sakin...imbes na sa girlfriend nya...at hiyang hiya ako..dahil I think girlfriend nya ang mag babayad ng bill....sabi sakin ni jake....sustentado daw si sofia ng hapon ng 30,000/month...kaya may pera...
Siguro by that tiime...mga 5 am na..pasikat na ang araw....hindi nako sanay sa ganung buhay..hindi na ako teenager....eh sila mga bata pa..si jake 21 at si sofia 18 pa lang...at ganun din ang mga kasama nila..mga studyante sa PUP...feeling ackward talaga ako...pero parang nag eenjoy sila sakin...dahil madali naman ako mag adjust...wag lang boring kasama ko...
maya maya...nag yaya pa sila...pupunta daw ng baclaran...niyaya ako...puta..hindi ko na kaya yun...puyat nako...pano ko pa mahaharap dyos nyan...lasing at puyat...iba na din itong mga kabataan...hinahalo ang happening sa dasal...trip na nila ata ngayon pumunta sa baclaran...kaya din dumadami mga kolboy dun ehh...
Sinabi ko nalang..hindi nako makaka sama..at mag taxi nalang daw sila..sabi ni jake...hinatid ako ni jake as usual sa kotse...yan ang ugali nya na nag pa in love sakin...hindi pwede mag hiwalay kami na walang kiss...pina antay nya yung grupo nya sa harap ng cowboy girll at sumama sya sakin sa kotse..at nag kiss kami...
"ingat ka bhe ha" ...
at yun ang una naming pag tatagpo ni sofia...akala ko...dun nalang yun mag tatapos...hindi pa pala...mahilig si jake na pagsabayin ang mga mahal nya sa buhay....at dun din nag simula ang mga komplikasyon.....
next chapter 4...ang buhay ko...
Thursday, August 28, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment